MMDA chair sa mga motorista: Maglaan ng 2 oras sa pagbiyahe sa EDSA

MANILA, Philippines- Ilang lugar sa Metro Manila ang inaasahang mas bibigat ang daloy ng trapiko dalawang linggo bago sumapit ang Pasko, ayon sa ulat nitong Biyernes.

Isa sa mga apektadong kalsada sa capital region ang EDSA, na nakitaan ng pagdami ng mga sasakyan nitong nakaraang buwan, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Sinabi ni MMDA chairperson Romando Artes na ang kasalukuyang bilang ng mga kotse na dumaraan sa EDSA hanggang nitong Nobyembre 4 ay halos 417,000 — mas mataas kumpara sa pre-pandemic data na 405,000. 

Nagbabala si Artes na posible pang lumobo ang bilang ng mga sasakyan sa EDSA sa 430,000 at nag-abiso sa mga motorista na maglaan ng hindi bababa sa dalawang oras sa kanilang biyahe dahil sa trapiko.

“Siguro po mga dalawang oras ang dapat i-allot pero minsan mabilis naman depende po sa oras,” ayon sa opisyal.

Kabilang din sa mga lugar na nakararanas ng pagbigat ng daloy ng trapiko ang Mindanao Avenue, Marcos Highway, Katipunan, Quezon Avenue, at EspaƱa, base sa ulat.

Samantala, inanunsyo ni Artes na ang mga sasakyan na makararanas ng breakdown sa kahabaan ng EDSA ay hindi na ito-tow sa impounding areas bagkus ay sa pinakamalapit na car repair shop. Subalit, hindi pa nai-standardize ang bayad para sa serbisyo.

“Ihahatid ka na lang sa bahay or sa pinakamalapit na talyer na mas convenient at mas economical,” aniya. RNT/SA



MMDA chair sa mga motorista: Maglaan ng 2 oras sa pagbiyahe sa EDSA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento