Walang naiulat na Filipino casualties sa Istanbul blast – DFA

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Lunes na wala itong natanggap na ulat ng Pilipinong nasawi sa pagsabog sa Istanbul na hinihinalang isang terrorist attack.

Patay ang anim na indbidwal habang 81 ang sugatan sa pagsabog nitong Linggo sa Beyoglu Square sa pinakamalaking lungsod sa Turkey, ayon sa mga awtoridad.

“So far, the Embassy (in Ankara) and Consulate General have not received any report of Filipino casualties,” pahayag ng DFA, at inihayag ang pakikiramay sa mga naiwang pamilya ng mga biktima.

“The DFA, through its Embassy and Consulate General in Turkey, will continue to monitor the situation and report to the Department of any development accordingly,” dagdag nito.

Sinabi ni Turkish Vice President Fuat Oktay na itinuturing ito ng pamahalaan na terrorist attack, at sinabing iniimbestigahan na ng mga opisyal ang babaeng hinihinalang nagpasabog ng bomba. RNT/SA



Walang naiulat na Filipino casualties sa Istanbul blast – DFA
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento