Mister ni US House Speaker Pelosi, pinagmamartilyo, bungo nabasag

CALIFORNIA, US – Pinasok saka pinagmamartilyo ng isang lalaki ang asawa ni United States House Speaker Nancy Pelosi sa San Francisco, California.

Nakilala ang biktima na si Paul Pelosi, 82, at nakatira sa San Francisco, California habang ang suspek naman ay si David Depape, 42.

Sa salaysay ni Paul sa pulisya sa ilalim ni San Francisco Police Chief William Scott, basta na lang umano pumasok sa kanilang tirahan si Depape at hinanap si Speaker Nancy.

Dahil galit at may dalang martilyo ang suspek, sinaway siya ni Paul at dito na nagkaroon labanan sa pagitan ng dalawa.

Ngunit nagawang pagmamartilyuhin ni Depape si Paul sa ulo, at maging sa mga kamay nito na ginawang panangga.

Nakatawag naman ang biktima ng tulong sa pulisya at nadatnan ang dalawa na nagpapambuno.

Dito na naaresto si Depape na sasampahan ng mga kasong tangkang pagpatay, assault with deadly weapon, pang-aabuso sa senior citizen, pagnanakaw at iba pang kaso.

Binabantayan na rin si Nancy ng mga awtoridad upang hindi ito mapahamak, lalo’t inaasahaan na magkakaroon ng mga karahasan sa halalang gaganapin sa susunod na dalawang linggo na kasali si Nancy. RNT/FC



Mister ni US House Speaker Pelosi, pinagmamartilyo, bungo nabasag
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento