Wisconsin, USA – Pasabog ang mga pinakawalang salita ng tinaguriang Soft Rock Diva ng Amerika na si Rozz Daniels laban sa beteranang OPM artist na si Ivy Violan na matagal nang naka-base sa USA.

Sinabi ni Rozz na nagkasundo sila ni Ivy na gawan siya ng anim na kanta to be released by Viva Records ngunit hanggang ngayon, diumano’y hindi pa ito nailalabas at mukhang wala raw alam dito ang nasabing record label.

“Si Ivy Violan, nu’ng una, na-starstruck ako sa kanya, idol ko sya pero nu’ng niloko niya ako, nawala lahat ‘yun.

“‘Yung pagiging religious niya sa FB, sana itigil niya habang may ginagawa siyang masama.

“I trusted you, niloko mo ako, not pnly me but also my friend, Irelyn Arana, sana po tumigil na po kayo, sana kung gusto niyo kumita, ‘yung kumita sana kayo sa maayos na paraan at hindi sa panloloko.

“Ang panginooon, hindi natutulog, nandiyan po ang karma at babagsak kayo kapag marami kayong nilokong tao.

“I know na hindi ka basta-basta masisira kasi Ivy Violan ka pero ‘wag ganu’n, maski ang panginoon, e, hindi ganu’n magsalita. Sana lang, makatulog kayo ng mahimbing. Do the roght thing always,” sabi ni Rozz.

Ayon pa kay Rozz, nakapaglabas na raw siya ng pera ngunit hindi naman daw nai-deliver ni Ivy ang pangako.

“Kung ako sa iyo, Ivy, manahimik ka na lang, ibigay mo na lang ang rights namin sa kanta or ibalik mo na lang ang pera.

“‘Yung seven songs na na-record ko, hindi pa nare-releasse. Bayad na.

“Marami naman kaming kilalang magaling na composers na hindi ganu’n kamahal ang bayad.

Pero sino ang mag-aakala na ang icon singer na gaya ni Ivy, gagawa ng ganyan?,” mahaba pang salaysay ni Rozz.

Sinumpa pa niya na hindi na siya makikipagtrabaho pa kay Ivy. May plano raw kasi si Ivy na isama siya sa shows ng beteranang singer sa Pinas.

“I smell fishy about Ivy, ayoko sumama sa mga shows niya kasi kailangang magdala ako ng pera, kailangang magbigay ako sa kanya.

“I learned my lesson, ‘wag magpakatanga, ‘wag agad magtitiwala,” mahabang dagdag ni Rozz.

Sa huli ay may mensahe siya sa senior singer.

“Ivy magbago ka na, ‘wag mo gamitin ang Viva records para magkapera ka, maging mabait ka na,” sabi pa ni Rozz.

Sinabi pa ni Rozz sa bandang huli na parang nabudol daw siya ni Ivy.

Sinubukan naming kunin ang pahayag ni Ivy via messenger ngunit as of presstime ay hindi pa siya sumasagot. Bukas naman ang Remate online sa magiging pahayag ni Ivy.

Sa ngayon ay very actove si Rozz sa Kumu via her program The Rocks and Rozz Show na napapanood tuwing Sabado, alas-10:00 nang umaga. JP Ignacio



Rozz Daniels, nabudol ni Ivy Violan?
Source: Filipino Pinoys