Wilbert Ross, tinablan sa love scene!

Manila, Philippines – Limang magaganda at seksing hottie ang pinagpiyestahan at pinagpasasaan ni Wilbert Ross sa pelikulang 5 in 1 na napapanood na ngayon sa Vivamax.

Kasama ni Wilbert sa movie sina Debbie Garcia, Rose Van Ginkel, Ava Mendez, Angela Morena, at Jela Cuenca.

Petmalu and hitik sa hotness at pampagana ang mga love scenes ni Wilbert sa limang chika babes niya rito sa pelikulang pinamahalaan ni Direk GB Sampedro.

Inusisa namin kung may naramdaman ba siya o may nag-react na parte ng katawan niya kapag sumasabak siya sa matinding lampungan sa pelikula?

Nakatawang esplika ni Wilbert, “I’m just a human being, hahaha! Pero honestly, minsan lang siya nangyayari, hindi siya ‘yung every love scene, kasi kapag ako ay nasa love scene, sobrang naka-focus kasi ako sa gagawin, tapos ay kino-choreo ko po mismo iyong gagawin namin, para hindi na umulit.

“And also, hindi na rin po kasi bago sa akin ito, part of my world ko na ito, kaya hindi ko na masyado nilalagyan ng malisya o wala talaga.

“Iyon naman pong mga accidental na pag-react ng kung anoman, natural lang po iyon, iyon lang po,” nakangiting saad pa ng hunk actor na astig sa mga pelikulang sex-comedy. Nonie Nicasio



Wilbert Ross, tinablan sa love scene!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento