DOH ‘di sigurado sa PH local transmission ng monkeypox
DOH ‘di sigurado sa PH local transmission ng monkeypox

MANILA, Philippines – Hindi pa sigurado ng Department of Health (DOH) kung mayroon ba o walang lokal na transmission ng monkeypox virus sa Pilipinas.
“Unang-una, hindi ko masiguradong masasabi na walang local transmission,” ani DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire dahil hindi umano kayang masuri ng gobyerno ang lahat ng mamamayan at ang mga may sintomas ay maaaring hindi makakuha ng konsultasyon.
“Kaya walang kasiguraduhan. Pero ang sigurado ngayon, handa tayo. Handa tayo para ma-detect. Handa tayo na gamutin. Handa tayo para maiwasan ang pagkahawa ng sakit na ito. Government is doing all of its efforts para mapigilan natin na kumakalat ang sakit na ito dito sa ating bansa,” dagdag pa ng DOH-OIC.
Ayon kay Vergeire, walang naitalang bagong kaso ng monkeypox.
“[H]anggang ngayon apat pa lang ang kaso natin. Although marami pa rin po ang nagpapatest araw-araw sa ating laboratoryo. And wala pa tayong nade-detect pa na nagpo-positive ulit,” aniya pa.
Sinabi ni Vergeire na ang ikatlong kaso ay natapos ang kanilang home isolation noong Setyembre 8 at idineklara nang ganap na naka-recover ng isang manggagamot.
Ang 17 close contact ng kaso ay natapos na rin ang kanilang quarantine at pinalabas na walang sintomas.
Samantala, sinabi ni Vergeire na ang pang-apat na kaso ay na-discharge mula sa ospital noong Setyembre 15 at kasalukuyang sumasailalim sa home isolation.
“Titignan natin hanggang 21st day and has to be certified also by their physician. Pero wala nang additional symptoms pa na naitala para dito sa case number four,” ani Vergeire.
Sinabi ni Vergeire na ang 19 na malapit na kontak ng ikaapat na kaso ay natapos na rin ang kanilang quarantine at ngayon ay asymptomatic na lahat.
Nauna nang sinabi ng DOH na ang monkeypox ay isang virus na nakukuha sa mga tao sa pamamagitan ng malapit na pakikipag-ugnayan sa isang infected na tao o hayop o kontaminadong materyales.
Maaaring kabilang sa mga unang sintomas ang lagnat, pananakit ng ulo, matinding pananakit ng kalamnan, pagkapagod, pantal, pati na rin ang namamaga at masakit na mga lymph node. RNT
DOH ‘di sigurado sa PH local transmission ng monkeypox
Source: Filipino Pinoys
DOH ‘di sigurado sa PH local transmission ng monkeypox
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento