2 turista nahulihan ng P17.2M marijuana sa Kalinga
2 turista nahulihan ng P17.2M marijuana sa Kalinga

LUBUAGAN, KALINGA – Umabot sa P17.2 milyon ang halaga ng marijuana ang nasabat ng mga otoridad mula sa dalawang turista na tulak ng marijuana sa isinagawang checkpoint operation ng kapulisan sa Sitio Dinakan, Barangay Dangoy, Lubuagan, Kalinga.
Nasamsam sa mga suspek na oansamantala itinago sa pangalang Mon at Erwin na pawang taga kalakhang Maynila ang anim (6) na piraso ng pinatuyong dahon at tangkay ng marijuana na may market value na P720,000 at 138 piraso naman ng bricks na tumitimbang ng 138,000 gramo na nagkakahalaga naman ng P16,560,000.
Una rito, nakatanggap ng ulat ang himpilan ng pulisya ukol sa isang pulang Mitsubishi Adventure na magbibiyahe sana ng mga kontrabandong marijuana sa Metro Manila.
Nabatid na ang mga narekober na marijuana ay galing sa Tabuk City, Kalinga.
Nakumpiska rin mula sa pag-iingat ng mga suspek ang dalawang yunit ng cellphone at ang kanilang ginamit na sasakyan.
Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco
2 turista nahulihan ng P17.2M marijuana sa Kalinga
Source: Filipino Pinoys
2 turista nahulihan ng P17.2M marijuana sa Kalinga
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento