Philippines news
Walang tinamaan ng COVID sa unang linggo ng F2F classes- DepEd

MANILA, Philippines- Iniulat ng Department of Education (DepEd) na walang naitalang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) infection sa unang linggo ng implementasyon ng pilot face-to-face classes.
“We would like to commend the tremendous efforts that our valued stakeholders have provided for the successful and safe pilot run of limited face-to-face classes. The involvement of everybody is crucial to the expansion of the implementation,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones nitong Huwebes.
Ayon sa DepEd, mayroong 4,537 na mag-aaral sa Kinder hanggang Grade 3 at Grade 11 hanggang 12 ang nakilahok sa unang linggo ng pilot run, base sa paunang resulta ng weekly school reporting sa limitadong F2F classes noong Nobyembre 24.
Sinabi naman ni Assistant Secretary ng National Academy of Sports and Field Operations Malcolm Garma na sumunod ang mga magulang sa mga alituntunin upang masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante at iba pang personnel sa mga kalahok na pilot schools’ operations.
“[Bagaman may mga nakapag-ulat] na ilan po sa mga mag-aaral ay nilagnat, ibig sabihin nito ay malinaw sa atin pong mga magulang na kapag ang mga bata ay nakaranas ng ganitong sintomas – ubo, sipon, lagnat, pananakit ng lalamunan – hindi na po nila pinapapasok sa paaralan,” ani Garma.
“I think this is one of the things which we should highlight in terms of orientation and the knowledge of parents regarding the symptoms,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin din ni Garma na maaaring magbago ang mga bilang na ito sa mga susunod na araw, sa patuloy na pagsusuri ng departamento sa mga datos mula sa Learner Information System at Plantilla Items para sa mga paaralan na kabilang sa pilot face-to-face classes.
Batay sa pinakabagong ulat mula Nobyembre 24 mula sa Planning Service sa pilot run assessment, sinabi ng DepEd na 62 sa 100 o mahigit 60 na porsyento ng mga paaralan ang nakapag-sumite na ng kanilang Week 1 assessment report mula Nobyembre 15 hanggang 19, 2021.
Iginiit naman ng DepEd na katanggap-tanggap ito dahil ilan umano sa 100 pilot schools ay nasa mga liblib na lugar kung saan mahina o walang signal ng internet. RNT/SA
Walang tinamaan ng COVID sa unang linggo ng F2F classes- DepEd
Source: Filipino Pinoys
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Walang tinamaan ng COVID sa unang linggo ng F2F classes- DepEd
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento