Verification guidelines sa bagong HSWs sa KSA rerebyuhin

MANILA, Philippines- Nakatakdang suriin ng Philippine Overseas Employment Administration ang  Philippine Overseas Labor and Office (POLO) verification guidelines sa gitna ng pansamantalang suspensyon ng pag-proseso ng deployment ng bagong household service workers sa Kingdom of Saudi Arabia.

“Ito pong kautusan (temporary suspension) na ito ay upang repasuhin ‘yung ating tinatawag na verification guidelines ng POLO,” sabi ni POEA Administrator Atty. Bernard Olalia sa Laging Handa public briefing.

Binaggit din ni Olalia ang kaso ng household service worker sa KSA, na hindi nakalagay ang kumpletong pangalan at tahanan ng kanyang amo sa employment contract.

Inilipat ang naturang household service worker (HSW) sa blacklisted employer.

“Na-circumvent po nila ‘yung verification rules natin. Nakita natin ang gap na ‘yon kaya kinakailangang i-plot natin at babaguhin po natin ang verification guidelines nang sa ganoon hindi na mauulit ang pang-aabuso ng isang employer,” giit ni Olalia.

“Hihintayin po na magkaroon ng panibagong verification guidelines na magmumula sa POEA,” patuloy pa niya.

Naglabas naman si Department of Labor Secretary Silvestre Bello III ng isang memorandum na nag-uutos sa POLO na pansamantalang itigil ang beripikasyon ng bagong domestic workers.

Batay sa ulat, hindi kabilang sa deployment ban ang mga domestic at skilled workers na nag-renew ng kontrata. RNT/SA



Verification guidelines sa bagong HSWs sa KSA rerebyuhin
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento