Red list countries nilimitahan sa may local transmission ng Omicron

MANILA, Philippines- Ipinaliwanag ng Malakanyang nitong Lunes ang proseso ng gobyerno sa pagsama ng ilang bansa red list ng Pilipinas sa gitna ng banta ng Omicron, ang bagong coronavirus disease (COVID-19) variant.

Ito ang naging pahayag ni acting presidential spokesperson Karlo Alexei Nograles kasunod ng mga katanungan ukol sa hindi pagsama ng Hong Kong sa red list sa kabila ng pagkatuklas ng bagong variant sa naturang teritoryo.

“Ang napagdesisyunan namin sa IATF, ‘yung pagre-red list ng countries will be dependent kung mayroon nang local case ng Omicron doon sa bansang ‘yon,” pahayag  niya sa isang public briefing nitong Lunes.

Ipinagbabawal ang pagpasok sa Pilipinas ng mga biyahero mula sa red list o mga lugar na high risk sa COVID-19 transmission.

Habang ang mga biyahero naman galing sa mga bansa sa ilalim ng green list o low risk sa virus ay pinapayagan na makapasok sa bansa at lumiban sa facility quarantine.

Kabilang naman yellow list ang ibang bansa at teritoryo na itinuturing na moderate risk sa COVID-10 transmission. Papayagang pumasok sa bansa ang mga biyahero mula sa mga bansang ito, alinsunod sa quarantine at testing protocols.

“The reason why ‘di natin na-red list ang Hong Kong at ‘yung iba pang mga countries is again ‘yung pinaka-consideration natin in red-listing countries is ‘yung detection of a local case ng Omicron in those countries,” ani Nograles.

Sinigurado naman ni Nograles sa publiko na mahigpit na binabantayan ng gobyerno ang mga balita ukol sa virus sa Hong Kong at iba pang mga bansa.

“We will not red-list that country unless nakikita namin na may high probability na mayroon silang nami-miss out na local transmission ng Omicron na ‘di pa nila nade-detect,” giit ni Nograales.

“We are actively monitoring any and all events happening in all countries, territories, and jurisdictions around the world,” dagdag pa niya. RNT/SA



Red list countries nilimitahan sa may local transmission ng Omicron
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento