Online sabong pasok sa ‘No take policy’ ng PNP- Carlos

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police nitong Lunes na ang “no-take policy” nito sa mga ilegal na aktibidad ay nangangahulugan din ng zero tolerance sa online sabong.

“Online or ‘yung actual sabong, I already said wala kaming ano diyan. Ibig sabihin, nag-declare na tayo ng ‘no take policy’ making sure na hindi natin tino-tolerate itong mga illegal gambling activities,” giit ni PNP Chief Police General Dionardo Carlos sa isang press conference.

Aniya, sakaling magdesisyon ang gobyerno na kontrolin ang online sabong, tutulong umano ang PNP sa implementasyon.

“So ‘yung sugal, kapag hindi ‘yan covered ng regulatory body, then it becomes illegal. Kaya kung ireregulate yan ng tamang ahensya, ‘yung pagpapatupad po nung batas na ‘yan o ng resolution na ‘yan, we are very much willing to help because ‘yun nga po, iisang gobyerno. Lahat ho tayo nagsasama-sama para maibigay natin yung serbisyo sa atin pong mamamayan,” paliwanag niya.

Nitong Nobyembre 17,  nanawagan ang Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) sa publiko na iulat ang e-sabong websites na napapanood sa ibang bansa.

“We request the public to report to PAGCOR those websites which are accessible abroad for our proper disposition,” pahayag ng PAGCOR.

Ito ang naging pahayag ng PAGCOR sa “emerging concern on the active participation of our overseas Filipino workers (OFWs) in the said games.”

“Offshore betting, or bets coming from players abroad, even if from Filipinos, are not allowed in e-sabong,” dagdag pa nito. RNT/SA



Online sabong pasok sa ‘No take policy’ ng PNP- Carlos
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento