PROTEKTAHAN SI BBM

NATUTURTA utak ng mga kalabang kandidato, politiko at kritiko ni presidential race frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. o BBM sa pag-iisip kung bakit napaka-popular nito at kung paano ito pipigilan sa pagtakbo.

At mas lalo nang imposible ngayon dahil nagsanib-pwersa na sina BBM at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa isinagawang kowalisyon ng Lakas-CMD, Hugpong ng Pagbabago,  Partido Federal ng Pilipinas at Pwersa ng Masang Pilipino.

Makabuluhan ang mensahe ni Inday Sara sa milyones niyang suporter. “Protektahan natin si BBM at protektahan natin ang ating boto sa Mayo 9, 2022,” aniya sa iniraos na caravan na sinalihan ng libo-libong Dabawenyos sa Tagum City, Davao del Norte.

Sinundan ng pahayag ni Inday Sara ang sandamakmak na black propaganda at paninira kay BBM sa social media ng mga yellow minion at anti-Marcos.

Malinaw na ang BBM-Sara Uniteam ang team to beat sa darating na eleksyon kaya asahan ang patuloy na pag-atake at pambabato ng putik. Ang BBM-Sara Uniteam ay tinawag na “marriage made in heaven” dahil sa pagbubuklod ng Solid North at South.

Noong Linggo ay mahigit isang milyon ang sumali sa caravan sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa Ilocos, Visayas at Mindanao sa paglulunsad ng BBM-Sara Uniteam.

Pinangunahan nina BBM at Inday Sara ang libo-libong suporter sa Tagum City, Davao del Norte kung saan sila nagtayo ng headquarters.

Ginanap din ang motorcades sa Metro Manila, Ilocos Norte, Ilocos Sur, Albay, Cebu, Bacolod, Cagayan de Oro, Iligan and Butuan cities.

Sa kabila ng black propaganda, hindi natitinag ang pangunguna ni BBM sa mga survey ng Social Weather Stations, Pulse Asia, Publicus Asia, Manila Bulletin and Manila Times, among others.

Naghain pa ang mga kalaban ng disqualification petitions laban sa kandidatura ni BBM.

Ngunit hindi na pinapansin ng taumbayan ‘yan kasi nagsawa na ang mga Pilipino sa mga kasinungalingan at kabuktutan sa nagdaang 30 taon mula nang tumalilis ang yumaong si Pang. Marcos.

Napeke ang Sambayanang Pilipino sa EDSA People Power kuno na ang pinaikot lang pala ng mga dilawang oligarch at warlords.



PROTEKTAHAN SI BBM
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento