MAG-INGAT SA U-TRADE CENTER INTERNATIONAL INVESTMENT SCAM

Daang-daang katao sa Negros Oriental ang nabiktima ng isang Investment Scam na gawa umano ng isang kompanyang U-Trade International.

Ito ang reklamo na natanggap natin mula sa ilang taga-Negros Oriental na nabiktima ng nasabing kompanya na isang Pheb Evangelista ang Chief Executive Officer.

Ayon sa reklamo, naengganyo ang mga biktima na mag-invest ng pera sa U-Trade International matapos na isa-isa silang kausapin ni alyas Dionie Balauro. Ngunit sinasabi rin mismo ni alyas Dionie na biktima rin siya nang magpasok siya ng nasa P160,000 sa naturang kompanya ngunit ni singkong duling ang naibalik sa kaniya at ganito rin umano ang mga na-recruit niya.

Ayon sa isa pang biktima, may iba pang nabiktima makaraang magpay-in ng pera sa naturang kompanya. Hindi umano nabawi ng mga miyembro  ang kabuang pera na kanilang ibinigay.

Napag-alaman pa ng mga nabiktima na ito palang U-Trade International ay nakita lang ni Dionie sa online at nakipag-communicate siya at nakipag-usap sa CEO na si Pheb Evangelista. Pagkatapos binola-bola siya hanggang sa nagustuhan niya ang offer ng kompanya.

Agad namang kinausap ni Dionie ang kanyang mga kakilala at mga kaibigan na mag-try na mag-invest sa maliit na halagang P1,000 sa unang offer. Nagsimula sila sa konting bilang na members.

Pagkatapos, hinabaan ang policy nila sa isang plan na tinawag ni Evangelista na Plan-A na sa P1K, ang tubo within 25 days ay P25K. Sa Plan-B naman, sa halagang P5K na i-invest ng isang member, tutubo naman ng P25K within 25 days. Walang limit ang halaga na i-pay-in mo.

Kaya naman, mismo si Dionie ay naka-pay-in ng P150K at may iba na nag-pay-in ng P100K at ipinangako sa kanila na sa 25 days, tutubo iyon ng P500K. Ang masakit, wala silang natanggap na pay-out.

Sa huli, umabot umano sa 40,000 katao mula Luzon, Visayas at Mindanao ang mga miyembro at hindi alam ng mga taga-Negros Oriental na naka-pay out lahat ang mga ito at hindi sa kanila.

Dagdag pa ng mga biktima, ihinuhulog nila ang kanilang pera sa tatlong code seller na sina Mahjal Leel Gonzales, Paraiso Castillo at kay Evangelista. Nang hanapin na nila ang kanilang pera, isa-isa nang  naglaho ang mga suspek kaya nabuking ang investment scam nina Evangelista.                                                              (MAY KARUGTONG)



MAG-INGAT SA U-TRADE CENTER INTERNATIONAL INVESTMENT SCAM
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento