PNP kulang sa body cam; tumatanggap ng donasyon- Carlos

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police nitong Lunes na nangangailangan sila ng body-worn cameras upang i-rekord ang mga mahahalagang insidente sa pagsisislbi ng search o arrest warrants.

Ani PNP Chief Police General Dionardo Carlos sa isang press briefing, naipamahagi na ang body cameras sa mga operating units at ginagamit ng ilang patrollers.

“Base doon sa paggamit nito na pinalabas ng Supreme Court (SC), ‘yun ang aming sinusunod especially yung serving of the warrants para recorded kapag may kinoconduct na planned police operation. But, some of them habang wala hong ganung paggamit, sa regular patrollers nakikita ko na yung body-worn cameras. Kulang pa ho ito pero I think there are partners that are helping us procure by way of donations,” pahayag ni Carlos.

Batay sa alituntunin ng SC en Banc sa ilalim ng Administrative Matter 21-06-08-SC noong Hunyo 29, 2021, sakaling walang body-worn cameras, kailangang maghain ng law enforcers ng mosyon sa korte  upang gumamit ng alternatibong recording device.

Mandato naman sa pulisya na kailangang ipaalam sa inaaresto na anka-rekord ang pag-aresto. Kailangan ding isuot ang mga kamera sa “conspicuous location” upang maging maayos ang recording ng pag-aresto.

Iginiit din ni Carlos na nakikipag-ugnayan na siya sa Directorate for Research and Development (DRD) sa pagbuo ng mga ispesipikasyon para sa mga body cameras na alinsunod sa SC requirements at maaaring i-monitor sa digital app ng ahensya.

“Isa ho sa nakikita ko diyan kasi may specification yan eh, mataas ang specification. It’s a system, not just a camera. So, meron kasi akong nakita na cellphone na using cellular signal, wifi signal and puwede ho mailagay yung digital frequency. At the same time, body camera din ho ‘yan,” paliwanag ng PNP Chief.

“If we will have this kind of technology, it will help a lot in the performance of duties of our policemen on the ground,” dagdag pa niya. RNT/SA



PNP kulang sa body cam; tumatanggap ng donasyon- Carlos
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento