P15.7B benepisyo sa healthcare workers nailabas na
P15.7B benepisyo sa healthcare workers nailabas na

MANILA, Philippines- Nailabas na ng Department of Health (DOH) ang P15.7 bilyong benepiso ng mga healthcare workers sa bansa kaugnay ng pagresponde sa coronavirus disease (COVID-19).
Nitong Nobyembre 26, nasa kabuuang P15,719,085,923 ang nailabas na pondo base sa Statement of Allotment, Obligation and Balances (SAOB).
Kabilang dito ang P7,915,760,434 Special Risk Allowance (SRA) ng 486,585 healthcare workers mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 habang nasa P6,555,957,185 na SRA at active hazard duty pay (AHDP) ang nailabas rin para sa 315,652 at 390,662 HCWs.
Ayon pa sa DOH, nakapaglabas na rin ng aabot sa P1,231,098,680 para sa ‘meals, accommodation, and transportation (MAT) benefits’ ng 103,413 HCWs.
Aminado naman ang DOH na may nalalabi pang mga benepisyo na hindi pa nailalabas mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021 kaya patuloy umano ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan para mapabilis ito.
Ayon kay Administration and Financial Management Head Undersecretary of Health Leopoldo Vega, ang mga nakabinbin na requests para sa dagdag na SRA funds para sa Batch 5 at Batch 6 ay nakatakdang i-evaluate pa ng Department of Budget and Management (DBM) sa oras na makumpleto na ang pamamahagi ng benipisyo ng mga unang batches. Jocelyn Tabangcura-Domenden
P15.7B benepisyo sa healthcare workers nailabas na
Source: Filipino Pinoys
P15.7B benepisyo sa healthcare workers nailabas na
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento