6 na rehiyon prayoridad sa nat’l vax days- Galvez

MANILA, Philippines- Itutuon ng gobyerno ang pansin nito sa pagabbakuna ng mga indibidwal laban sa coronavirus disease (COVID-19) sa anim na rehiyon sa national vaccination drive mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez Jr. nitong Lunes.

Base kay Galvez, ito ay ang Calabarzon, Central Luzon, Bicol Region, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), Soccskarsargen, at Zamboanga Peninsula.

“So ang concentration natin is Region IV-A, Region III, and also ‘yung regions na mababa— ‘yung BARMM, Region V, Region XII, and Region IX,” ani Galvez sa CNN.

Ayon kay Galvez, layunin ng pamahalaan na makapagbakuna ng tatlong milyong indibidwal sa Calabarzon at Bicol Region.

“Ang inuuna po natin talaga, ang pinakamalaking unvaccinated dito sa Region IV-A at saka sa Region III, 5 million more or less. So ang target namin sa Region IV-A at saka sa Region III is 3 million for the whole three-day vaccination,” aniya.

Sa panayam sa dzBB, sinabi ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa na mayroong mga lugar sa labas ng NCR na nasa 35 hanggang 40 porsyento pa lamang ng eligible population ang fully vaccinated.

“However, ‘yung ibang lugar outside NCR, ‘yun ang medyo nasa 35% to 40% lang ang fully vaccinated. ‘Yun ang kailangan natin mataas to 50%. ‘Yan ang rason bakit naglunsad tayo ngayong araw nung ating Bayanihan Bakunahan,” pahayag ni Herbosa.

Sinabi rin ni Galvez na nagpadala na ng mga vaccinators mula sa National Capital Region sa mga naturang rehiyon upang tumulong sa pagbabakuna. RNT/SA



6 na rehiyon prayoridad sa nat’l vax days- Galvez
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento