Pharmally execs nararapat lang na makulong – Lacson
Pharmally execs nararapat lang na makulong – Lacson

MANILA, Philippines – Nararapat lamang na makulong dahil sa hindi pakikipagtulungan sa pamahalaan ang mga opisyal ng Pharmally Pharmaceutical Corporation ayon kay Senador Panfilo Lacson.
Ayon sa senador ngayong araw, Nobyembre 30, kwestyonable umano ang kulang-kulang na mga impormasyong ibinibigay ng mga ito lalo na nina Linconn Ong at Mohit Dargani na tila ba may pinoprotektahang iilang tao.
Matatandaan na noong nakaraang linggo ay sinabi ni Dargani na nasa ‘mga kahon’ na posibleng nasa kanilang opisina, ang ilang mga financial documents na hinihingi ng mga senador.
Reaksyon naman ni Lacson nang ipag-utos ng Senado na ilipat ang dalawa sa Pasay City Jail mula sa kanilang holding room sa Senate building:
“E ‘di stalemate ‘yon. Hindi sila aalis ng Pasay City jail pagka ganoon. Kung makikipag-matigasan sila, mas matigas naman siguro ‘yung Senado kaysa sa kanila. So, all we need is their cooperation.” RNT
Pharmally execs nararapat lang na makulong – Lacson
Source: Filipino Pinoys
Pharmally execs nararapat lang na makulong – Lacson
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento