Mga ospital sa bansa naghahanda na sa Omicron variant

MANILA, Philippines – Naghahanda na sa posibilidad ng pagpasok ng Omicron variant ng COVID-19 ang mga ospital sa bansa.

Halimbawa na lamang umano ay sa San Lazaro Hospital sa Maynila kung saan inihahanda na ng pamunuan ang kanilang mga personal protective equipment (PPE) sa pamamagitan ng pag-iimbentaryo sa mga ito kabilang na ang mga gamot para sa mga pasyente.

Sa panayam ng ABSCBN kay Dr. Rontgene Solante, aniya: “First [preparation] is the inventory of PPEs and anti-viral drugs like remdesivir and tocilizumab. We now have more time to prepare for it and have stocks of medications.”

“The number of cases in the past weeks have made us more prepared for the next surge,” dagdag pa niya.

Malaking tulong rin umano ayon kay Solante ang pagbibigay ng booster shot sa ilang mga health workers upang mabigyan ng dagdag proteksyon sa naturang variant.

Ayon naman sa Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) handa naman umano sila sakaling dumating ang variant sa bansa ngunit aminadong ang kakulangan nila ngayon ay mga health workers.

“Sa hospitals, ang limitation namin ngayon ay ang number of nurses. But right now, tumigil until the end of the year, baka next year na ulit magkakaroon ng mga resignations,” sinabi naman ni PHAPI president Jose Rene de Grano. RNT



Mga ospital sa bansa naghahanda na sa Omicron variant
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento