nilagdaan ng DAR chief
Paglilipat ng 346 hektarya ng MinSU sa 220 Oriental Mindoro ARBs, nilagdaan ng DAR chief

MANILA, Philippines- Upang ipatupad ang programa ng pamahalaan na libreng pamamahagi ng lupang agraryo sa walang lupang magsasaka lumagda ngayong araw sa unang pagkakataon si Department of Agrarian Reform (DAR) Acting Secretary Bernie F. Cruz ng certificates of land ownership award (CLOAs) para simulan ang pamamahagi ng mga titulo sa 220 agrarian reform beneficiaries (ARBs) ng may kabuuang 346 ektarya mula sa 700-ektarya ng Mindoro State University (MinSU).
“Ang MinSU (dating Mindoro State College of Agriculture and Technology (MinSCAT), na matatagpuan sa barangay Alcate at Villa Cerveza, Victoria, Oriental Mindoro, ay inilagay sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP), alinsunod sa Executive Order No. 75, serye ng 2019,” ani Cruz.
Ipinahayag niya na nagkaroon ng mga usapin sa pagpapatupad upang sakupin ang nasabing lupain sa ilalim ng EO 75, kabilang na ang pag-aangkin ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ng 101 ektaryang lupain bilang ancestral domain.
“Sa online na deliberasyon noong Hunyo 30, 2020, iminungkahi ng DAR Provincial Office na huwag isama ang 101 ektarya dahil sa isyu sa NCIP,” ani Cruz.
Sa press conference binigyang-diin ni Cruz na sa kabuuang 700 ektarya, 500 ektarya lamang ang inaprubahan para sa coverage at hindi kasama ang 99 na ektarya na school campus at 101 ektarya na inaangkin ng NCIP.
“Hiniling ni MinSCAT President Levy Arago ang revalidation ng lupain at ang revalidation ay inaprubahan ng DAR Central Office at Regional Office. Noong huling revalidation, napagkasunduan ng mga partido na isama ang demonstration farm ng paaralan sa kanilang retention area,” aniya.
Aniya, pagkatapos ng huling revalidation, tinatayang 346 ektarya ang naging saklaw ng CARP mula sa 700 ektarya na retention area.
Sinabi ni Cruz na ang tanggapang panlalawigan ng DAR Oriental Mindoro ay nakabuo ng dalawang (2) kolektibong CLOA na may dalawang lote, saklaw ng EO 75 at pananatili sa MinSU.
Ang Executive Order 75 ay nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte noong 2019, na nag-uutos sa pamamahagi ng mga lupaing pagmamay-ari ng pamahalaan sa ilalim ng ikalawang yugto ng agrarian reform program. Santi Celario
Paglilipat ng 346 hektarya ng MinSU sa 220 Oriental Mindoro ARBs, nilagdaan ng DAR chief
Source: Filipino Pinoys
nilagdaan ng DAR chief
Paglilipat ng 346 hektarya ng MinSU sa 220 Oriental Mindoro ARBs
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento