P300B ‘nailigtas’ ni Lacson sa korapsyon sa 2022 nat’l budget
P300B ‘nailigtas’ ni Lacson sa korapsyon sa 2022 nat’l budget

MANILA, Philippines- Umabot na sa P300 bilyon ang nailigtas ni Partido Reporma chairman at standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa posibleng korapsyon dahil sa mahigpit nitong pagbabantay sa pambansang badyet bilang bahagi ng sariling tungkulin at malinis na serbisyo sa Senado.
“Alam niyo ‘yung kuwenta ng staff ko ‘nung ito na, itong huli, kasi 18 years… Umaabot na pala ng P300-billion ang nailigtas sa kaban ng bayan doon sa 18 taon ng kabubusisi ko,” pagsisiwalat ni Lacson sa kanyang pakikipagdayalogo sa mga miyembro at opisyal ng transport sector sa Quezon City.
Ayon pa sa batikang mambabatas, sa kanyang 18-taon sa Senado, taun-taon niya ring binubusisi ang badyet, kaya naman bilyon-bilyon ang nasagip sa kaban ng bayan.
“Sa loob ng 18 taon na kakabusisi ko ng budget, kinakaltas ko ‘yung alam kong walang pagpupuntahan ‘yung pera, alam kong aabusuhin lamang, inaalis ko ‘yon. Nililipat ko, halimbawa, sa isang ospital para magamit o kung saan man,” sabi ni Lacson.
Dahil dito, naging target umano si Lacson ng maraming politiko. Aniya, “Marami nga ang nagagalit sa akin. ‘Yung mga kasamahan naming congressman, ang sabi nila: ’Yan si Lacson sobrang higpit, lahat kinu-kuwestiyon.’”
“Bakit ko ginagagawa? E kasi nga sino ba ang naiisip ko? ‘Di ba, ‘yung pangkaraniwang Pilipino na tinatamaan kasi hindi alam kung saan pupunta [‘yung budget],” lahad ng mambabatas na dating hepe ng kapulisan.
Ayon pa kay Lacson, “Pera natin ‘yun e, pera ninyo, pera nating lahat. Bakit hindi natin babantayan?” Ernie Reyes
P300B ‘nailigtas’ ni Lacson sa korapsyon sa 2022 nat’l budget
Source: Filipino Pinoys
P300B ‘nailigtas’ ni Lacson sa korapsyon sa 2022 nat’l budget
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento