Ong sa Senate panel: Magsampa na lang ng kaso sa nawawalang financial documents
Ong sa Senate panel: Magsampa na lang ng kaso sa nawawalang financial documents

Manila, Philippines – Hinamon ni detained Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong ang mga senador na nagsampa na lamang ng kaso sa nawawalang financial documents ng kanilang pamunuan.
Sa pagpapatuloy ng Senate blue ribbon investigation, hinikayat ni Senator Risa Hontiveros si Ong na baguhin ang kanyang asal sa mga senador at ibigay na lamang ang mga kahon ng dokumento.
“Mr. Chairman, Madam Senator, napadala na talaga kami sa kulungan e, we’re not criminals. ‘Yung mga files na ‘yan I really don’t know kung saan man sila,” saad ni Ong kay Hontiveros.
“But since the chairman [has the] conclusion kanina, siguro file-an ninyo na lang po kami ng kaso kasi nagsa-suffer po talaga kami sa kulungan di naman po kami criminal.”
Ipinahayag naman ni Hontiveros ang pagkadismaya kay Ong sa pagkasabi nitong imposible na malaman pa ng Pharmally kung nasaan ang mga kaukulang dokumento.
“I am convincing you, ibigay ninyo na sa kumite ‘yung tao na may hawak ng mga dokumento na ‘yon para makuha na naman at mapag-aralan.”
Tinanong naman ni Senate blue ribbon chairman Richard Gordon si Ong
“Do you think we want you to be in jail? You think we’re punishing you?”
“I’m asking you, if you have nothing to hide then you say so… You may not be a criminal that shoots people or steals from them when they’re sleeping, but you are nonetheless going to be treated like a criminal because you’re violating the law when you do not answer and you do not produce documents.”
“Do not try to get awa. Wala kayong makukuhang awa. Before we can give awa, kailangan may katarungan muna,” dagdag pa ng senador.
Tahasan naman itong sinagot ni Ong.
“You really heavily investigating us…Please allow us to cooperate with the investigation.”
Maaalalang nailipat na si Ong at Pharmally treasurer at corporate secretary Mohit Dargani sa Pasay City jail kaugnay ng isyu. RNT/FGDC
Ong sa Senate panel: Magsampa na lang ng kaso sa nawawalang financial documents
Source: Filipino Pinoys
Ong sa Senate panel: Magsampa na lang ng kaso sa nawawalang financial documents
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento