Luis, pinag-trip-an sina Edu at Cherry Pie!

Manila, Philippines – Hindi lang si Alex Gonzaga ang ginawang tampulan ng tukso ni Luis Manzano, pati ang relasyon ng amang si Edu Manzano at Cherry Pie Picache, binigyan nito ng makulit na reaksyon.

Trending topic at kinakikiligan kasi ngayon sa social media ang fresh relationship nina Edu at Cherry Pie na kamakailan lang ay ni-reveal  ng dalawa.

Maraming na-inspire dahil muling naisabuhay ang age doesn’t matter! Totoo nga naman, pag na-in love ka, dedma kung ano edad mo o nang minamahal mo kagaya na lang ng mga verteran artists na couple.

Pero hindi pa dito nagtatapos ang kulit at kilig, dahil nang ma-interview si Luis, anak ni Edu, may cute na paghahambing ito sa sikat din na couple ngayon.

“Feeling ko nga, eh, kung nagkataon lang na, let’s say by next year, kunwari lang, we’re hoping and praying na maibalik ang prangkisa ng ABS, feeling ko baka si daddy saka si Tita Pie, baka itapat sa KathNiel,” saad ni Luis.

Kulit na kulit ngayon ang netizens sa reaction na ito ni Luis sa relasyon ng ama. Talagang pinatunayan na hindi lang si Alex G ang kaya niyang biruin ng mga kalokohan, pati ang tatay hindi nakatakas sa kakulitan nito.

Pero in fairness, iba rin naman kasi ang kilig na hinatid ng couple na Edu at Cherry Pie sa public.

Wala ‘yan sa edad, nasa tunay na pagmamahal! Naks. Sana all. Paula Jonabelle Ignacio



Luis, pinag-trip-an sina Edu at Cherry Pie!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento