‘No vaccine, no job’ policy sa kapulisan ipatutupad ng PNP

MANILA, Philippines- Maglalabas ang Philippine National Police ng isang memorandum na nagbabawal sa pagpasok ng hindi bakunadong tauhan ng organisasyon sa trabaho alinsunod sa resolusyon na inilabas ng Inter-Agency Task Force (IATF).

“We have exerted all effort to convince our personnel to be vaccinated against COVID-19. We understand that this may be a matter of their personal choice but our priority is the general welfare at this time of pandemic,” ani PNP chief General Dionardo Carlos nitong Sabado.

Sa ilalim ng IATF Resolution No. 148-B, lahat ng establisimyento at employer sa pampubliko at pribadong sektor ay dapat na gawing rekisito sa mga on-site na manggagawa nito ang pagiging fully vaccinated laban sa coronavirus disease (COVID-19).

Ipinaliwanag naman ng IATF na bagamat hindi umano dapat maging rason ang hindi pagpapabakuna upang matanggal sa trabaho,  kailangang sumailalim ng mga empleyado sa regular na RT-PCR tests na sila mismo ang magbabayad kung nais nilang magtrabaho on-site.

Base sa PNP sa mahigit 222,000 tauhan nito, 1,830 ang hindi pa nababakunahan. RNT/SA



‘No vaccine, no job’ policy sa kapulisan ipatutupad ng PNP
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento