‘Di bakunado ni-lockdown na ng Germany; sapilitang pagbabakuna ikinasa
‘Di bakunado ni-lockdown na ng Germany; sapilitang pagbabakuna ikinasa

GERMANY – Isinailalim na ng pamahalaang Germany sa lockdown lahat ng mamamayan at iba pang naninirahan sa nasabing bansa na hindi bakunado laban sa coronavirus disease-19.
Ikinasa na rin nito ang sapilitang pagbabakuna sa Pebrero 2022 at itinutulak na ang parliamento para sa kaukulang batas dito.
Mismong sina Chancellor Angela Merkel at papapalit sa kanya bilang pinuno na si Olaf Scholz ang naghayag ng lockdown.
Ayon kina Merkel at Scholz, kinakailangan ang hakbang na ito upang mapigilan ang pananalasa ng pang-apat na daluyong o wave ng COVID-19 na nagsimula nang maganap sa buong Europa, kasama na ang Germany.
Isinama na rin bilang dahilan ang pagdating ng Omicron variant sa Germany at iba pang bansa sa European Community.
Kasama sa mga ila-lockdown ang mga bakunado na lumagpas na sa siyam na buwan ang huling pagkakabakuna subalit hindi ang mga nagkasakit at gumaling sa COVID-19.
Papayagan lang na lumabas ng bahay ang mga hindi bakunado para bumili ng pagkain sa mga merkado at parmasya.
Dalawang tao lang din ang papayagan na pumunta sa ibang bahay, isasara ang mga bar at nightclub na may 350 kaso kada 100,000 katao at maliit na bilang ng tao ang papayagang dumalo sa mga malakihang okasyon gaya sa sports.
Ang Germany ang isa sa mga bansa sa Europa na may pinakamababang bilang ng bakunado sa pagkakaroon lang ng mahigit 60 porsyentong bakunado mula sa 84 milyong populasyon nito.
Sa ngayon, pinaiial lang ang boluntaryong pagbabakuna.
Nauna ang Austria na nagpatupad ng lockdown sa lahat ng hindi bakunado.
Kaugnay nito, hinihikayat na rin ni European Union Commission President Ursula von der Leyen ang lahat ng kasapi ng 27 bansang European Community na magdeklara ng sapilitang pagbabakuna para malabanan ang fourth wave at pagdating ng Omicron variant. Fred Cabalbag
‘Di bakunado ni-lockdown na ng Germany; sapilitang pagbabakuna ikinasa
Source: Filipino Pinoys
‘Di bakunado ni-lockdown na ng Germany; sapilitang pagbabakuna ikinasa
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento