Hearing ng Philippine maritime zones bill sinisilip na ng Senado- Koko

MANILA, Philippines- Ibinunyag ni Senator Aquilino “Koko” Pimentel III nitong Linggo na magsasagawa ang Senate committee na pinangungunahan niya ng inquiry sa panukalang batas na naglalayon na ideklara ang maritime zones ng bansa sa gitna ng panggugulo ng China sa West Philippine Sea.

Sa panayam sa dzBB, sinabi ni Pimentel na sasangguni sila sa rekomendasyon ng international law experts ukol sa Senate Bill 2289 o ang Philippine Maritime Zones Act, na siyang tutukoy kung kinakailangan ang naturang panukala.

“Mayroong school of thought na hindi kailangan ng batas, ang gagamitin natin UNCLOS… Kung inuulit lang ang prinsipyo… Ang tanong natin sa experts, kailangan pa ba gawin ‘yan? May dagdag bang benepisyo kung gagawin ‘yan?” ani Pimentel, chairman ng Senate committee on foreign relations.

Layunin ng panukala na inihain ni Senate President Vicente Sotto III, na tukuyin ang maritime zones, archipelagic waters, at territorial zones ng bansa.

Iginiit naman ni Pimentel na ayaw niya ng militarized approach sa pagresolba sa rmga ‘di pagakkaunawaan sa South China Sea.

“May laman doon entering defense and security arrangement with other nations. Kailangan pag-usapan siguro iyon kung ano meaning noon. Kasi personally, ayoko i-militarize… Kung mayroong disputed na lugar, ‘wag ninyo i-militarize. ‘Yung International Law sana ang gawing rule,” pahayag ni Pimentel. RNT/SA



Hearing ng Philippine maritime zones bill sinisilip na ng Senado- Koko
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento