AFP hindi perpekto ngunit hindi hinahayaang maging ‘instrumento’- Robredo
AFP hindi perpekto ngunit hindi hinahayaang maging ‘instrumento’- Robredo

MANILA, Philippines- Sinabi ni Vice President Leni Robredo nitong Linggo na napanatili ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kalayaan nito bilang institusyon, dalawang araw matapos siyang makipagpulong sa grupo ng mga opisyal ng militar kung saan ipinahayag niya ang kanyang suporta sa mga mandato ng anti-communist insurgency task force.
Sa isang panayam, ipinahayag ni Robredo ang kanyang pagpapahalaga sa AFP.
“Kasi kahit hindi siya perpekto, until now talaga name-maintain niya naman ‘yung kanyang independence as an institution. Hindi hinahayaan na maging instrumento siya,” pahayag ni Robredo.
Sinabi rin ni Robredo na ini-ere niya ang kanyang mga alalahanin at isyu sa security briefing kasama ang ilang opisyal ng AFP noong Biyernes.
Hindi na niya idinetalye pa kung ano ang mga iyon, na ayon kay Robredo ay kumpidensyal na impormasyon.
“Pero mahalaga kasi na alam natin. Mahalaga na alam natin kung nasaan na tayo as far as many things are concerned,” aniya.
Binigyang-diin din ni Robredo ang papel ng AFP sa pagtugon ng kanyang opisina sa pandemya.
“Lagi tayo nagpapasalamat sa AFP kasi alam mo, during the pandemic, grabe ‘yung partnership namin with them. Marami tayong napapadala na mga PPE sets all over the Philippines saka mga medical supplies, largely dahil sa tulong nila,” sabi ni Robredo.
Kasunod ng pakikipagpulong ng Bise Presidente sa AFP, naglabas ng pahayag ang kampo ni Robredo kung saan ipinahayag niya suporta sa mga mandato ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict. Matatandaang kamakailan ay nanawagan siya sa abolisyon ng organisasyon.
Marami naman ang nadismaya sa naging pahayag ni Robredo. RNT/SA
AFP hindi perpekto ngunit hindi hinahayaang maging ‘instrumento’- Robredo
Source: Filipino Pinoys
AFP hindi perpekto ngunit hindi hinahayaang maging ‘instrumento’- Robredo
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento