Commitment order vs paglilipat sa Pharmally execs sa Pasay jail pirmado na ni Sotto

MANILA, Philippines- Pinirmahan ni Senate President Vicente Sotto III nitong Linggo ang commitment order na nag-uutos sa detensyon ni Pharmally Pharmaceutical Corporation director Linconn Ong at corporate secretary at treasurer Mohit Dargani sa Pasay City Jail.

Nilagdaan ni Sotto ang utos ng Senate blue ribbon committee na nakapangalan kay Superintendent Ramil Vestra, warden ng Pasay City Jail, ayon sa tweet.

“Yes. Blue ribbon requested. I signed already,” pahayag ni Sotto sa mga reporters.

Ito ay kasunod ng rekomendasyon ni Senate Sergeant-at-Arms Rene Samonte sa madaliang paglilipat ng mga opisyal ng Pharmally, na nag-aalinlangan  na isiwalat ang mga impormasyon sa financial statements ng kumpanya.

Sa isang hiwalay na text message, sinabi ni Samonte na nakita na niya ang commitment order, at sinabing ililipat nila ang mga opisyal ng Pharmallymula sa Senado patungo sa Pasay City Jail.

“Yes, they will be subjected to medical check up and out-processing, and some admin process including coordination and documentation with Pasay City Jail. I expect they will be transferred around lunchtime tomorrow,” aniya.

Nauna nang ipaalam ni Samonte sa opisina ni Senator Richard Gordon, pinuno ng Senate blue ribbon committee, ang patuloy na pagtanggi ng mga opisyal ng Pharmally na ibunyag ang lokasyon ng mga hinihinging dokumento mula sa kanila.

“Hindi nakaalis kasi ayaw magbigay ng info kung saan pupunta. Hindi daw niya alam kung nasaan — office or warehouse or residence. He was told that they can go to all three, pero ayaw pa din. Ang sabi ni Mohit ay alam daw ni Atty Kapunan, kaya pinatawagan ko,” pahayag ni Samonte.

“Muntik na daw mahulog ang lawyer sa upuan, kasi wala daw kaalam-alam si Atty Kapunan kung ano man ang mga documents na ‘yun. It seems wala talagang boxes and boxes of documents, or ayaw ilabas kung meron man,” dagdag pa niya.

Binalaan naman ni Gordon ang mga opisyal ng Pharmally na ililipat sila sa ibang kulungan kung magiging magarbo ang pagtrato sa kanila sa Pasay City Jail. RNT/SA



Commitment order vs paglilipat sa Pharmally execs sa Pasay jail pirmado na ni Sotto
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento