Paghahanda ng HCWs sa nat’l vax days isinasapinal na ng DOH-CALABARZON
Paghahanda ng HCWs sa nat’l vax days isinasapinal na ng DOH-CALABARZON

MANILA, Philippines- Isinasapinal na ng Department of Health (DOH) CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) ang preparasyon para sa tatlong araw na national vaccination day na gaganapin sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1.
“Kailangang lahat ay handa at preparado sa anumang maaring mangyaring sa tatlong araw na bakunahan gaya ng kakulangan ng vaccine, syringes at maging ang mga forms na gagamitin ng ating mga health workers sa field dapat lahat kumpleto upang maiwasan ang pagkakaroon ng delay sa pagbibigay ng bakuna sa mga tao,” sabi ni Regional Director Ariel I. Valencia sa kanilang pagpupulong.
“The regional office together with the local health officers are already organized and well equipped to address any concerns regarding the coming vaccination days,” pagtitiyak pa niya.
Ang mga health workers mula sa iba’t ibang ospital sa NCR kabilang ang mga boluntaryo mula sa mga pribadong organisasyon ay nakiisa upang palawigin ang serbisyo sa kaganapan.
Sinabi rin ni Valencia na ang tanggapan ng rehiyon ay naghahatid ng mga logistik na kailangan at mga hinihiling ng iba’t ibang mga LGU upang madagdagan ang kanilang suplay.
“Hindi dapat maubusan ng bakuna ang ating mga LGU at hindi rin dapat mahinto at maghintay ang mga tao. That’s is why we have to ensure that all vaccination centers at the municipal level have enough supply of vaccine and syringe especially those in GIDA communities,” giit ni Valencia.
“As of now, we have strategically placed manpower in areas where there are large number of eligible populations to vaccinate. We have also sufficient supply of vaccines to carry out the vaccination service and meet the 3 million targets for the next days. Sa tulong ng ating mga lokal na pamahalaan, ay kaya nating gawin ito,” dagdag pa niya.
“I encourage all residents of CALABARZON to go to your nearest vaccination site and avail of the free vaccines against COVID-19 starting tomorrow. Pagpasensyahan napo natin at pagtiyagaan kung tayo man ay maranas ng mahabang pila sa pagkuha ng bakuna. Sinisiguro lang po ng ating mga health workers ang inyong kaligtasan kaya lahat po ay daraan sa assessment bago kayo bgyan ng bakuna,” panawagan ni Valencia.
“Maging responsible po tayo sa ating sarili at magpabakuna. Hindi lamang po ito sa inyong kaligtasan kundi para na rin sa kalugtasan ng inyong pamilya kasama na ang inyong komunidad. Let us do our share in eliminating the Covid virus” giit pa niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden
Paghahanda ng HCWs sa nat’l vax days isinasapinal na ng DOH-CALABARZON
Source: Filipino Pinoys
Paghahanda ng HCWs sa nat’l vax days isinasapinal na ng DOH-CALABARZON
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento