Booster shots kasama sa 3-day nat’l vaccination drive
Booster shots kasama sa 3-day nat’l vaccination drive

Manila, Philippines — Kasama ang pagtuturok ng booster shots sa isasagawang three-day national vaccination day ng gobyerno sa Nobyembre 29 hanggang Disyembre 1, ayon kay Department of Health (DOH) Director Dr. Beverly Ho.
Sa Laging Handa briefing, sinabi ni Ho na ang eligible individual ay maaaring makapagpaturok ng booster dose sa loob ng mga nasabing araw.
“For those of you who are asking, yes, booster doses will also be provided for A1, A2, and A3 immunocompromised din po during the national vaccination days.”
Sa ulat, target na mabakunahan ang siyam na milyong indibidwal sa loob ng tatlong araw.
Habang itatakda naman ang isa pang vaccination drive sa Disyembre 15 hanggang 17 upang makamit ang goal na makapagturok ng 54 milyong Pilipino laban sa COVID-19 sa pagtatapos ng 2021. RNT/FGDC
Booster shots kasama sa 3-day nat’l vaccination drive
Source: Filipino Pinoys
Booster shots kasama sa 3-day nat’l vaccination drive
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento