Nat’l vax days kasado na sa kabila ng kakulangan sa volunteers- NTF

MANILA, Philippines- Handa na ang gobyerno sa tatlong araw na national vaccination drive sa Lunes sa kabila ng kulang na 51,000 pang boluntaryo, ayon sa National Task Force Against COVID-19 (NTF) nitong Sabado.

“Maayos na ho ang ating paghahanda, nakalatag na rin at ready to roll out na sa Lunes. May kaunti lang pong pag-aadjust,” pahayag ni NTF spokesperson Restituto Padilla Jr. sa panayam sa dzBB.

Subalit binigyang-diin ni Padilla na nangangailangan pa rin ng mahigit 6,000 boluntaryo para sa active vaccination sites at posibleng 5,000 na mas maliliit na sites na idadagdag.

“We took the notice of about 51,000 volunteers na kakailanganin pa. Kailangan pa po. Galing po ito sa Department of Health (DOH) ‘no, sa kanilang pakikipag-ugnayan sa ating mga health workers at saka frontliners. So meron na po tayong mga almost 18,000 na mga volunteers na nakumpirma na natin,” ani Padilla.

Nauna nang ianunsyo ng DOH na kailangan nito ng nasa 160,000 boluntaryo para sa vaccination drive, kabilang na ang health screeners, post-vaccination monitoring personnel, health educators, registration personnel, data consolidators, encoders, at vaccinators.

Bilang parte ng solusyon, sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Undersecretary at spokesman Jonathan Malaya na itinalaga ni DILG Secretary Eduardo Año ang local government units (LGUs) ang mga contact tracers upang tumulong- kung saan ang mga may medical background ay maaaring magbakuna habang ang mga non-medical personnel ay ilalagay sa data management.

Nitong Biyernes ay ibinaba ng NTF ang target vaccination output nito para sa tatlong araw na vaccination drive, na tinawag na “Bayanihan, Bakunahan,” mula sa 15 milyong hanggang sa siyam na milyon na lamang sanhi ng kakulangan sa ancillary supplies, lalo na sa mga hiringgilya.

Magkakaroon naman ng isa pang vaccination drive sa Disyembre 15 hanggang 17 upang maabot ang target na 54 milyong fully vaccinated na Pilipino sa pagtatapos ng taon. RNT/SA



Nat’l vax days kasado na sa kabila ng kakulangan sa volunteers- NTF
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento