Pasahero sugatan matapos masapul ng inihagis na bato sa MRT3

MANILA, Philippines- Sugatan ang isang pasahero matapos maghagis ng bato ang hindi pa nakikilalang suspek sa Metro Rail Transit-Line 3 (MRT3) train coach, Linggo ng umaga.

Nangyari ang insidente bandang alas-6:49 ng umaga habang patungo na ang tren sa Magallanes Station.

Sa mga larawang ibinahagi ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa Facebook, makikita ang sirang bintana ng train coach, at isang bato sa sahig.

“Mayroong nambato sa isang tren ng MRT-3 habang bumibiyahe papuntang Magallanes. Nabasag ang isang bintana ng bagon, at may isang pasaherong nasaktan,” pahayag ni Tugade sa Facebook.

Iginiit ni Tugade na dapat makulong ang suspek.

Sinabi naman ni MRT3 Director for Operations Michael Capati na isinasagawa na ang imbestigason upang matukoy ang ‘di pa nakikilalang suspek, ayon sa ulat ni Luisito Santos sa Super Radyo dzBB. RNT/SA



Pasahero sugatan matapos masapul ng inihagis na bato sa MRT3
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento