Lorenzana sapul ulit ng COVID-19
Lorenzana sapul ulit ng COVID-19

MANILA, Philippines – Kinumpirma mismo ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana, Miyerkules ng gabi na muli siyang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“Hello everyone, yes, I am COVID(-19) positive. This morning I got the result of my swab test yesterday (Tuesday) afternoon after the Senate hearing. I am symptomatic,” ayon kay Lorenzana sa isang text message nang tanungin kung muli siyang nagpositibo sa nasabing sakit.
Ito ang pangalawang pagkakataon na tinamaan ng covid 19 at nagpositibo si Lorenzana.
Matatandaang noong nakaraang Abril, sumailalim ang Kalihim sa quarantine upang maiwasan na makahawa sa iba sa DND matapos na magpositibo sa naturang sakit.
Sinabi Lorenzana na siya ay fully vaccinated.
“Yes, I’m fully vaxxed. I’ll observe myself for several days after that I’ll have another swab (test),” dagdag na pahayag nito.
Kababalik lamang ni Lorenzana sa bansa matapos ang kanyang official trips sa Spain at Poland noong nakaraang linggo. Kris Jose
Lorenzana sapul ulit ng COVID-19
Source: Filipino Pinoys
Lorenzana sapul ulit ng COVID-19
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento