Jackpot sa Ultra Lotto papalo sa P375M
Jackpot sa Ultra Lotto papalo sa P375M

MANILA, Philippines- Tinatayang papalo sa P375 milyon ang maaaring mapapanalunan ng maswerteng mananaya ng 6/58 Ultra Lotto na palaro ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na bobolahin sa ngayong Biyernes (Nobyembre 26) ng gabi.
Martes ang huling draw ng Ultra Lotto 6/58 kung saan hindi nakuha ang Jackpot price na P360,984,981.60 na may kombinasyon na 58-19-35-46-30-10. Subalit 21 indibidwal naman ang nakakuha ng limang kombinasyon na nakapag-uwi ng tig P120,000.00.
Ayon kay PCSO General Manager Royina Garma, ang tiket ng Ultra Lotto 6/58 ay nagkakahalaga ng P20 nabinobola ng PCSO tuwing Martes, Biyernes at Linggo, ganap na alas-9 ng gabi.
Samantala, hindi pa rin tinamaan ang jackpot price kagabi na P147,715,023.60 ng GrandLotto 6/55 na may kombinasyon na 37-02-45-49-46-13 subalit 105 indibidwal naman ang nakapag-uwi ng tig P100,000.00 matapos na makuha nila ang lima sa anim na kombinasyon. Toto Nabaja
Jackpot sa Ultra Lotto papalo sa P375M
Source: Filipino Pinoys
Jackpot sa Ultra Lotto papalo sa P375M
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento