mababa: OCTA Research
Posibilidad ng muling pagtaas ng COVID cases sa NCR, mababa: OCTA Research

MANILA, Philippines- Inanunsyo ng OCTA Research nitong Huwebes na mababa ang panganib ng isa pang coronavirus disease (COVID-19) surge sa Metro Manila kasunod ng pagluwag sa restriksyon sa lungsod.
Nauna nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na maaari pang ilagay sa pinakamababang alert level ang kapital kung patuloy na bababa ang mga kaso ng virus.
Bumaba na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila sa 400 kada araw kasunod ng Delta variant surge, ayon kay OCTA Research fellow Prof. Guido David. Aniya, pinakamataas ang naitalang kaso noong kalagitnaan ng Setyembre.
Sinabi rin ng DOH na sa pagluwag ng gobyerno sa mga restriksyon, hindi pa rin nababaligtad ang epekto ng Delta surge.
“When we see rising cases and when we see hospital beds are going to be threatened, we will alert the public but right now what we’re seeing is the risk is at a level that is quite low. The risk of a resurgence, as Fr. Nick (Austriaco) mentioned, we believe [is] not as significant,” pahayag niya sa mga reporters.
“We can always calibrate our strategy when we see a spike in cases… Cases are down, as long as people are mindful of their health protocols, we’re not seeing a significant threat in a rise in cases,” dagdag pa niya.
Nananatili sa ilalim ng “low risk” classification ang National Capital Region, ayon sa DOH.
Pinuna naman ng mga mambabatas ang OCTA Research sa kawastuhan ng COVID-19 projections nito. Ayon sa grupo, ginagamit nito ang datos mula sa DOH. RNT/SA
Posibilidad ng muling pagtaas ng COVID cases sa NCR, mababa: OCTA Research
Source: Filipino Pinoys
mababa: OCTA Research
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Posibilidad ng muling pagtaas ng COVID cases sa NCR
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento