Majority leader Martin Romualdez- itinalagang caretaker ng Southern Leyte
Majority leader Martin Romualdez- itinalagang caretaker ng Southern Leyte

MANILA, Philippines – Itinalaga si House Majority Floorleader Ferdinand Martin Romualdez bilang caretaker ng nag-iisang distrito ng Southern Leyte.
Ito ay matapos maitalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Southern Leyte Rep. Roger Mercado bilang kalihim ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kapalit ni dating DPWH Secretary Mark Villar.
Si Villar ay nagbitiw upang kumandidato sa pagka-senador sa darating na eleksyon.
Itinalaga si Romualdez matapos na pormal na ipaabot sa liderato ng Malaking Kapulungan ng Kongreso ang pag-upo ni Mercado sa DPWH na hinirang noong November 9.
Nauna rito ay naghain na rin si Mercado ng certificate of candidacy (COC) upang muling tumakbo sa pagka-kongresista ng nag-iisang distrito ng Southern Leyte ngunit dahil sa paghirang sa kaniya ng pangulo ay ipinalit nito ang kaniyang asawa na si Luz Mercado.
Nangako naman si Mercado na ipagpapatuloy nito ang mga proyektong prayoridad ng administrasyong Duterte na pinasimulan ni dating DPWH Secretary Villar. Meliza Maluntag
Majority leader Martin Romualdez- itinalagang caretaker ng Southern Leyte
Source: Filipino Pinoys
Majority leader Martin Romualdez- itinalagang caretaker ng Southern Leyte
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento