DA binalaan ang publiko vs pagbili ng puslit na gulay galing China
DA binalaan ang publiko vs pagbili ng puslit na gulay galing China

MANILA, Philippines- Nagbabala ang Department of Agriculture (DA) sa publiko laban sa pagbili ng puslit na gulay mula sa China.
“Other than sa price manipulation meron din siyang problema sa food safety, kasi for as long as walang import permit, meron siyang health hazard, health threat talaga siya. Makikita mo agad sa boxes, may tatak na China, madali ma-identify, malinis na malinis, ‘yung local production may lupa lupa, eto linis na linis,” pahayag ni DA Assistant Secretary Federico Laciste Jr. sa pag-iinspeksyon niya ng isang warehouse sa Malabon City nitong Biyernes
“May health risk kasi hindi ito dumaan sa proper process, pagka wala tayong sanitary, hindi natin alam na paano na-carry, baka may pests pa ‘yan,” dagdag pa niya.
Ito ay kasunod ng pagkumpiska ng DA sa libo-libong puslit na gulay sa isang warehouse sa Malabon nitong Huwebes.
Ayon sa ulat ng DA, natagpuaan ang pitong makeshift reefer containerssa loob ng warehouse, tatlo doon ang naglalaman ng puslit na carrots, broccoli, at sibuyas mula sa China na tinatayang nagkakahalaga ng P4.7 milyon.
“May mga report kami natatanggap, that’s why lahat ng information bina-validate namin,” giit ni Laciste.
“Meron protocol, dadalhin namin sa authorized disposal facility,” dagdag pa niya.
Ipinasara na ng mga opisyal ng BOC ang naturang warehouse.
“Itong facility na ito has been running for almost one year, sabi ng warehouse man nila rito, one year na siyang every week, four containers na ganitong iba-ibang laman, wala naman daw hindi nila alam na puro smuggled pala ‘yan. Nag-issue na ang BOC, kinlose na ito, at pinadlock na,” ani Laciste.
“Meron po kaming standing instruction na i-double ang effort, panawagan namin sa publiko, kung meron ganitong impormasyon ipagbigay alam sa amin agad,” hiling niya.
Nasa kustodiya na ng PNP-CIDG ang nahuling walong indibidwal na kapwa caretakers ng warehouse. RNT/SA
DA binalaan ang publiko vs pagbili ng puslit na gulay galing China
Source: Filipino Pinoys
DA binalaan ang publiko vs pagbili ng puslit na gulay galing China
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento