Comelec sisipain ang kandidatura ng ‘nuisance candidates’

MANILA, Philippines- Mahigit kalahati ng 97 presidential aspirants na itinuturing na ‘nuisance’ ang maaaring tanggalin sa kandidatura, ayon sa Commission on Elections (Comelec) nitong Lunes.

“We had 97 filers for president and it looks like more than half of that might be removed as nuisance,” pahayag ni Comelec Spokesperson James Jimenez sa isang press briefing.

Dagdag pa niya, naihain na umano ang motu propio cases para sa deklarasyon bilang nuisance candidates laban sa 82 sa 97 presidential aspirants, 15 sa 29 para sa pagka-Bise Presidente at 108 sa 176 na tatakbong senador.

Nakasaad sa Section 69 ng Omnibus Election Code na maaaring mag-motu proprio o kaya naman ay tumangging ikansela ang certificate of candidacy ng isang indibidwal, matapos ang masusing pagsusuri.

Tinitingnan ng Comelec na mailabas ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa Halalan 2022 sa Disyembre. RNT/SA



Comelec sisipain ang kandidatura ng ‘nuisance candidates’
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento