100 pang Pinoy abroad sapul ng COVID-19

MANILA, Philippines – Nasa 100 Pilipino sa ibang bansa ang nasapul coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa nakalipas na pitong araw, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), Martes.

Umabot na sa 23,960 ang kumpirmadong kaso sa mga Pinoy na nasa ibang bansa, base sa tala ng DFA.

Nasa 8,348 ang aktibong kaso kung saan 1,732 ang naitala sa Asia Pacific, 959 sa Europe, 5,549 sa Middle East/Africa region, at 108 sa Americas.

Umabot naman sa 47 ang bagong bilang ng gumaling na Pinoy overseas dahilan para umabot na ito sa kabuuang 14,185.

Mula naman Nobyembre 8 hanggang 16, dalawa ang naitalang nasawi sa Asia Pacific.

“The DFA, together with its Foreign Service Posts, continues to monitor and assist our nationals abroad amidst the pandemic,” ayon sa kagawaran. RNT



100 pang Pinoy abroad sapul ng COVID-19
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento