Albie, nagsinungaling sa pag-apologize ni Andi!

Manila, Philippines – Nabuko na ang pagsisinungaling ni Albie Casiño para mapag-usapan lang bilang celebrity contestant sa ongoing Pinoy Big Brother edition sa Kapamilya Network.

Sa isang livestream promo interview sa Kumu app noong October 26, binigyang-diin ni Albie na hindi kailanman humingi ng tawad si Andi sa kanya pagkatapos siya nitong pagbintangan na ama ng ipinagbubuntis niya nu’ng 2011. (Eventually, binago ni Andi ang pahayag n’ya at nagsabing si Jake Ejercito ang ama ng sanggol.)

Naglabas ng ebidensya si Stevie Eigenmann, half-sister ni Andi, na humingi ng tawad ang aktres kay Albie.

Nahanap ni Stevie sa Twitter ang “pag-uusap” nina Andi at Albie last year. Ipinost ni Stevie sa Instagram Story n’ya nu’ng October 30 ang screenshot ng mga mensahe nina Andi at Albie sa isa’t isa.

Bagama’t wala mang binanggit na pangalan si Stevie sa caption sa Instagram Story n’ya, kitang-kita ang pangalang “Albie Casiño” sa screenshot na ipinost ni Stevie.

Mababasa sa screenshot na personal na humingi ng tawad si Andi kay Albie nang magkita sila sa isang bar sa Bonifacio Global City ilang taon na ang nakakaraan.

Bahagi ng mensahe ni Andi kay Albie (unedited): “You even hugged me after I said sorry to you at pool club X years ago and said that it was ok.”

Pagkasabi nu’n ay muling nag-apologize si Andi sa mga naganap sa pagitan nilang dalawa ni Albie.

Aniya (unedited): “Awww but regardless, (just incase you don’t remember), i can defend myself to others had i ever wished to do so, but it doesn’t mean you don’t deserve a better apology.

“The person you met once before was very young, and lost, and quite obviously a completely different person from who I am today, so on behalf of the old me, i apologize, albie!

“Sorry for all that volatility I may have caused you in the past, and for being so young and naive, dragging you into something you were never supposed to be a part of.

“I sincerely hope that you too, are in good place right now, and that you and your family are well and great. Hope that we can put that behind us now. All the best to you!”

Makikita sa screenshot ang sagot (unedited) ni Albie kay Andie: “Yo I remember that to the tee you hit me with ‘masaya ka na Hindi sayo’

“I never asked for an apology and I never really needed one. I dint mean any ill will with the post that’s why I cropped you out of it.

“I thought it was hella funny, I look at it like we’ve both moved on and we’re both different people now.

“I just thought I’d have a laugh about it, cuz if we can’t laugh about our past hardships in life it’s kinda like being a slave to the moment still.

“Again no ill will or hard feelings, congrats on the baby.”

Paano kaya ipagtatanggol ni Albie ang sarili n’ya sa kasinungalingang pinalaganap n’ya?

Didisiplinahin kaya ng PBB si Albie sa pagsisinungaling nito?

Aantabayanan namin ang magiging reaksyon ni Albie at ng pamunuan ng PBB sa “resibong” ibinalandra ni Stevie Eigenmann.

Samantala, si Stevie ay ang nag-iisang anak ni Mark Gil kay Maricar Jacinto, ang live-in partner ng aktor nu’ng yumao siya nu’ng 2014 sa sakit na kanser. Danny Vibas



Albie, nagsinungaling sa pag-apologize ni Andi!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento