Kimpoy, to-the-rescue sa ‘malandi’ comment kay Heaven!

Manila, Philippines – “Magkaibigan kami ni Heaven.

“Sana kilalanin niyo muna ‘yung tao on a personal level bago kayo manghusga.”

Ilang sa mga linya ni Kimpoy Feliciano nang hindi na kayanin ang bashing ng netizens on line kay Heaven Peralejo.

Pinutakte na naman kasi ng bashers si Heaven nang magpost si Kimpoy ng photos nilang magkakaibigan sa Siargao vacation nila kamakailan.

Makikita kasi sa pictures ang sweetness nina Heaven at Kimpoy na ayon sa kanila ay dahil sa close talaga sila at magkaibigan.

May mga natuwa dahil mukhang ang saya talaga ng tropa sa mga kuha nilang larawan pero hindi nawala ang comments na “malandi” kay Heaven kaya naman napa-rescue na si Kimpoy.

“If you’re judging the person based on what you only know from the internet, that’s on you,” bahagi ng mahabang reply ni Kimpoy sa netizens.

Hindi pa talaga nakaka-move on ang mga tao sa isyung inagaw ni Heaven si Kiko Estrada kay Devon Seron kaya ‘matanglawin’ ang mga ito sa kung sino ang nakakasama ng aktres.

Guys, malinaw na. Magkaibigan lang sila at close at wala rin namang jowa si Kimpoy. Paula Jonabelle Ignacio



Kimpoy, to-the-rescue sa ‘malandi’ comment kay Heaven!
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento