Concepcion nanawagan na paluwagin ang travel restrictions sa biyahero
Concepcion nanawagan na paluwagin ang travel restrictions sa biyahero

MANILA, Philippines- Ipinanukala ng non-profit advocacy group na Go Negosyo na paluwagin ang mga restriksyon sa mga biyahero mula sa North America upang mabigyan ng pagkakataon ang mga overseas Filipinos na makapagdiwang ng Pasko kasama ang kanilang mga pamily8a sa Pilipinas.
“Give our balikbayans a chance to come home this Christmas,” apela ni Presidential adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion sa gobyerno nitong Linggo.
Hindi kabilang ang Estados Unidos at Canada sa “green list” ng bansa. Ang mga biyahero mula sa mga bansang ito ay kinakailangang sumailalim coronavirus disease (COVID-19) test pagkatapos ng limang araw sa isang quarantine facility.
Ayon sa grupo, ang panahong ilalaan sa quarantine ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ipinagpapaliban ng karamihan sa mga biyahero mula sa North America ang pag-uwi ng bansa sa panahon ng Kapaskuhan.
Inilahad naman ni Concepcion ang planong pagtetest sa mga biyahero mula sa North America bago umuwi at isa pang test sa bahay o quarantine hotel pagdating nila sa bansa.
“Testing before departure and testing upon arrival with no quarantine required will be beneficial for a lot of balikbayans wanting to see their families,” paliwanag ni Concepcion.
“They can do testing at their homes if within NCR or in a facility for one day if they are from other places. We can do this to give peace of mind to our returning Filipinos and their loved ones. Waiting for a negative test result is a small price to pay compared to this reassurance,” he dagdag pa niya.
Binanggit ni Concepcion ang datos mula sa Philippine Airlines na ipinapakita ang mababang positivity rates sa mga biyahero mula sa North America.
Giit ni Concepcion, makatutulong ang pagpapaluwag sa travel restrictions sa ekonomiya.
“Many MSMEs are counting on the increased holiday and pre-election spending to help them recover from the losses during the pandemic. They will be able to pay back their loans and earn enough to provide for their workers’ 13th month pay. There are many things that depend on letting our kababayans come home this Christmas,” aniya. RNT/SA
Concepcion nanawagan na paluwagin ang travel restrictions sa biyahero
Source: Filipino Pinoys
Concepcion nanawagan na paluwagin ang travel restrictions sa biyahero
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento