Higit 42K lumabag sa NCR Alert Level 2 — PNP

Manila, Philippines – Umabot na sa 44,667 quarantine violator ang naitala sa National Capital Region (NCR) buhat ipatupad ang Alert Level 2 noong Nobyembre 5, batay sa Philippine National Police (PNP).

Sa datos ng PNP, mayroong 8,933 indibidwal ang nahuli sa loob ng isang araw na lumabag sa COVID-19 health protocols at 7,931 violator naman ang naitala noong Martes.

Tinatayang nasa 63% ng violator ang nabigyan ng babala; 34% ang napagmulta; at 3% ang napatawan ng parusa.

Samantala, may kabuuang 42,080 violator ang lumabag sa minimum public health standards. RNT/FGDC



Higit 42K lumabag sa NCR Alert Level 2 — PNP
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento