100K jobless Pinoy babalik na sa trabaho sa Alert Level 2 — Lopez
100K jobless Pinoy babalik na sa trabaho sa Alert Level 2 — Lopez

Manila, Philippines – Inaasahang makababalik sa trabaho ang 100,000 unemployed Filipino sa pagbaba ng Alert Level 2 sa Metro Manila, ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez.
Sinabi ni Lopez na nasa 1.8 milyong indibidwal ang nawalan ng trabaho dahil sa ipinatupad na quarantine restrictions sa buong bansa habang nasa100,000 ang kasalukuyang walang trabaho.
“Ang total lahat ng naapektuhan diyan ay mga 1.8 million at dahil sa mga movement pababa ng mga alert level cases, bago nag-Alert Level 2 ay mga 100,000,” saad nito sa virtual Palace briefing.
“Around 100,000 more or less, so ito ‘yung mga inaasahan nating makabalik itong Alert Level 2. Bottom line po dito ay ito na nga po mapapabalik sa economic activities.”
Maaalalang nasa ilalim ng Alert Level 2 ang NCR mula Nobyembre 5 hanggang 21.
Dagdag pa ni Lopez, nakadepende sa establisimyento kung paano nila mapasusunod ang customers sa public health safety standards.
“Kasama sa mga guidelines natin, bawat establisyimento, magtatalaga sila, maglalagay sila ng mga health and safety protocol officers. Katungkulan po nila ‘yan.” RNT/FGDC
100K jobless Pinoy babalik na sa trabaho sa Alert Level 2 — Lopez
Source: Filipino Pinoys
100K jobless Pinoy babalik na sa trabaho sa Alert Level 2 — Lopez
Philippines news
Pinoy Trending
politics
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento