BONG GO: PAGBABAKUNA SA LIBLIB NA LUGAR PABILISIN

MULING nanawagan si Senate committee on health and demographic chairman, Senator Christopher ‘Bong’ Go sa pamahalaang nasyunal na pabilisin ang pagbabakuna sa mga liblib na lugar na bansa, lalo sa mga komunidad na maituturing na “vulnerable.”

Tunay kasing malaking tulong ang bakuna upang tuluyan nating mawakasan ang ating laban kontra COVID-19 pandemic na nagsisilbi pa ring malaking banta sa kalusugan ng mga lugar na hindi pa naaabot ng mga bakuna.

Isa si Sen. Go sa mga senador na talagang nagtutulak ng mga polisiyang makapagpapabuti sa ating mga hakbang upang sugpuin ang pagkalat ng COVID-19 na nagbubunga na ng maganda ngayong patuloy ang pagbaba ng mga kumpirmadong kaso sa bansa.

Magandang bagay rin na nasimulan ang pagtatayo ng mga Malasakit Center sa ating mga pangunahing pampublikong pagamutan bago pa dumating ang pandemya.

Naging takbuhan ito ng ating mga kababayang walang pambayad ng kanilang hospital bill na dahil sa programa ay maliit na halaga na lamang ang binabayaran o madalas ay nauuwi pa sa zero billing.

Sa ngayon, 30 Malasakit Center na ang nagbibigay-serbisyo sa ating mga kababayan sa Metro Manila habang nasa 147 na ang kabuuang bilang ng nasabing opisina ng pinagsama-samang tulong pinansyal pangmedikal ng DSWD, DOH, PhilHealth at PCSO sa buong Pilipinas.

Mabuti nga’t mayroon nang sistemang katulad ng Malasakit Center nang dumating ang pandemya at nagkaroon ng kaagapay sa suliraning pangmedikal ang ating kapwa Pilipinong nangangailangan ng serbisyo sa loob ng pagamutan.

Bilang baguhang senador, talagang kahanga-hanga ang kakaibang malasakit ni Sen. Go sa masang Pilipino at agad nitong pinasimulan ang pagtatatag ng Malasakit Center pagkahalal nito sa pwesto.

Hindi rin ito tumigil sa pag-iikot saanmang panig ng bansa upang personal na maghatid ng tulong sa ating mga kababayang nasalanta ng anumang uri ng kalamidad kahit pa hindi panahon ng eleksyon at pangangampanya.

Kahit pa nga pinupulitika ang sipag ng butihing senador, ipinag kibit-balikat lamang nito ang mga kritisismo dahil serbisyo ang kanyang inaatupag ngayong nasa panahon tayo ng isang medical crisis.



BONG GO: PAGBABAKUNA SA LIBLIB NA LUGAR PABILISIN
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento