Democratization ng ILOs Governing Body prayority agenda- Sec. Bello

MANILA, Philippines- Nangako si Labor  Secretary Silvestre Bello III na isusulong nito ang pantay na representasyon ng malalaki at maliliit na miyembro ng estado sa policy-making body ng International Labor Organization (ILO).

Sa pagpupulong kasama si Swiss Ambassador Valerie Berset Bircher at  Mr. Essah Aniefiok Etim ng Nigeria sa ILO headquarters sa Geneva, nagbigay ng katiyakan ang kalihim na ang  democratization ng  ILOs Governing Body ay ang  priority agenda sa chairmanship ng  Pilipinas  sa  GG.

“I don’t see the wisdom of not allowing other nations equal speaking and voting rights in the ILO’s Governing Body,” sinabi ni Bello kay  Bicher at Etim na ang kani-kanilang bansa ay ipinagkatiwala  din sa observer status sa  ILO body. Ang Switzerland ay host ng ilang mga organisasyon sa mundo, ngunit nanatiling tagamasid sa ILOs Government Group.

“Let me assure you that this concern is among the key items we are pushing in our stewardship of the Government Group,” dagdag pa ni Bello.

Sina Bicher at Etim, ay  co-chairs ng  democratisation committee ng ILO, at  nakipagkita kay Bello para magpahayag ng suporta sa Philippines’ GG chairmanship,isang araw matapos pangunahan ni Bello ang hybrid meeting ng grupo sa Geneva na dinaluhan ng mahigit 160 miyembrong estado ng Government Group noong nakaraang linggo.

Nauna rito, ipinaalam ni ILO Director General Guy Ryder kay Bello ang mahalagang papel na gagampanan ng Government Group sa pagtiyak na ang mga gobyerno sa buong mundo ay magbibigay ng panlipunang proteksyon sa kani-kanilang mga manggagawa.

Napansin ni  Ryder ang mga inisyatiba ng social amelioration na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas upang matulungan ang mga manggagawang apektado ng Covid-19 pandemic.

Binanggit naman  ni Bello ang isang beses na cash assistance na AKAP na ibinigay sa mga displaced OFWs, ang emergency employment program na TUPAD para sa mga disadvantaged informal sector workers, at ang cash aid sa ilalim ng CAMP para sa mga displaced formal sector workers sa kasagsagan ng Covid lockdown noong nakaraang taon.

Ngunit bilang pinuno ng grupo ng gobyerno ng ILO, binigyang-diin ni Ryder na magkakaroon ng mahalagang papel si Bello sa pagpapatibay ng mga hakbang upang matugunan ang pandaigdigang kawalan ng trabaho na umabot sa 125 milyon.

Sa pagpuna na 53 porsiyento ng mga manggagawa sa mundo ay hindi nagtatamasa ng panlipunang proteksyon, hiniling ni Ryder kay Bello na itulak din ang mga pamahalaan na magbigay ng panlipunang proteksyon sa kanilang mga manggagawa.

“From temporary amelioration, there is a need for a more systemic, permanent social protection,”sinabi ni  Ryder kay Bello.

Tinanggap naman ng kalihim ang  mungkahi ni Ryder bilang isang mas malaking hamon sa pamumuno ng Pilipinas sa grupo ng gobyerno ng ILO.

Ang Governing Body ng  ILO ay magsisimula sa Lunes  .(Jocelyn Tabangcura-Domenden)



Democratization ng ILOs Governing Body prayority agenda- Sec. Bello
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento