nilinaw na ‘di siya pabor sa vote buying
Robredo, nilinaw na ‘di siya pabor sa vote buying

MANILA, Philippines – Nilinaw ni Vice President Leni Robredo na hindi siya pabor at kontra siya sa vote buying.
Ito ay makaraang pumutok ang kaniyang pinakabagong statement kung saan sinabi niya na tanggapin pa rin ang pera na ibinigay ng kandidato at pagkatapos ay bumoto pa rin gamit ang konsensya.
Ayon kay Robredo, iba umano ang reyalidad na nangyayari sa usapin ng vote buying na hindi natututukan mabuti.
“Aware tayo sa nasa batas, hindi tayo masaya na hindi ito nae-enforce, pero dapat bukas ‘yong mata natin sa realities on the ground. Bukas ‘yong mata natin sa realities on the ground kung hindi maayos ‘yong enforcement, ano ba ‘yong gagawin natin?” tanong ni Robredo kasabay ng press briefing sa Naga.
“Ang dapat na ginagawa natin, na kahit may tumatanggap, dapat hindi susundan ‘yong boto na parang meron kang utang na loob sa nagbigay,” dagdag pa niya.
Nakakadismaya ayon kay Robredo na makita ang mga insidente ng vote buying na tila umano wala pang napaparusahan dahil dito.
Ibinahagi rin ng presidential aspirant, na siya mismo noong 2013 ay sinubukang maghain ng reklamo kaugnay ng vote buying ngunit ibinasura lamang umano ito.
“In fact kahit dito sa atin, very rampant ang vote buying, ‘yong frustrating sa lahat dito kasi hindi maayos ‘yong pag-implement ng regulations against vote buying. Naalala ko no’ng kumandidato ako no’ng 2013 elections, nag-file ako ng case sa prosecutor’s office, marami ‘yong mga ebidensya na nagkaroon ng vote buying, na nadismiss lang ‘yong kaso,” giit niya.
“In fact dahil hindi maayos ‘yong ‘pag police natin against vote buying, ‘yong mga volunteers natin, ‘yon na ‘yong gumagawa ng paraan ‘pag meron tayong na-iidentify na alleged vote buyer, ‘yong ginagawa ng mga volunteers binabantayan na ‘yong mga bahay nila para hindi maka-buwelo,” dagdag ni Robredo.
Matatandaang ipinaalala rin ng Commission on Elections na iligal, at hindi pwede ang vote buying sa nalalapit na Halalan 2022. RNT
Robredo, nilinaw na ‘di siya pabor sa vote buying
Source: Filipino Pinoys
nilinaw na ‘di siya pabor sa vote buying
Philippines news
Pinoy Trending
politics
Robredo
showbiz
sports
technology
trending Articles
viral post
Mag-post ng isang Komento
0 Mga Komento