Magna Carta sa trike drivers, operators aprub na

MANILA, Philippines – Aprubado na ng House Committee on Transportation ang substitute bill para sa pagkakaroon ng Magna Carta ng mga tricycle driver at operator.

Walang tumutol sa pagpasa ng substitute bill para sa panukalang Motorcycle-For-Hire Regulation Act na binalangkas ng technical working group (TWG) na pinamunuan ni Navotas Rep. John Reynald Tiangco.

Ayon kay Tiangco ang substitute bill ay binuo mula sa 18 panukala.

“The government acknowledges the inevitability that motorcycles for hire will become one of the regular sectors of public transportation,” pahayag ni Tiangco.

Aniya, hindi maaaring gamitin sa motorcycles-for-hire ang regulasyon na ginagamit sa public utility jeepneys at public utility buses dahil iba ang operasyon nito.

Sinabi naman ni Nueva Ecija Rep. Ria Vergara, na syang nagsponsor ng substitute bill na layunin ng panukala na pangalagaan ang karapatan ng mga nasa sektor ng tricycle.

“The tricycle sector plays an important and indispensible role in our economy with more than .5 million tricycle units operating through out the country they cater to a great number if not the majority of our daily commuters not only in our urban centers but especially in the provinces and areas where other modes of public transportation are not available,” ani Vergara.

Sa ilalim ng panukala, ang Department of Trade and Industry (DTI) at Land Transportation Office (LTO) ang magtatakda ng detalye ng motorsiklo na papayagang bumiyahe.

Ang bilis ng motorcycle taxi ay hindi maaaring lumagpas ng 60 kilometro bawat oras.

Kailangan ding sundin ang itinatakdang speed limit ng mga lokal na pamahalaan at iba pang batas.

Upang mapigilan ang paglipana ng mga kolorum, gagawing mandatory ang pagkakaroon ng digital platform kung saan maaaring i-book ang mga motorcycle taxi.

Ang pasahe at iba pang singilin ay itatakda ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB). Gail Mendoza



Magna Carta sa trike drivers, operators aprub na
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento