MANILA, Philippines – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na ang nationwide rollout ng COVID-19 vaccination sa edad 12 hanggang 17 ay magsisimula sa Nobyembre 3 sa halip na Nobyembre 5 na unang kinumpirma ni Health Usec Maria Rosario Vergeire.

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mayroong 12.7 milyong kabataan mula sa nasabing edad ngayong 2021.

Nitong Oktubre 26, nasa 18,666 menor de edad na may commorbidities na ang nakatanggap ng kanilang unang dose sa inisyal na phase ng pediatric vaccination sa National Capital Region.

“Pfizer and Moderna vaccines will still be used among children during the nationwide rollout. Further details and the guidelines with regard to the nationwide expansion of pediatric vaccination will be released once finalized,” ayon kay Vergeire.

Samantala, patuloy ang DOH sa paghikayat sa adult population lalo na ang mga kabilang sa priority groups A2 at A3 na magpabakuna na laban sa COVID-19 upang makamit ang ‘cocoon effect’ na magpoprotekta sa mga kabataan sa loob ng bahay.

Binigyan diin din ng ahensya na ang pagpapabakuna ay hindi lamang para protektahan ang sarili kundi maging ang mga tao sa kanyang paligid at kaakibat ang pagsunod sa minimum public health standards at iba pang ipinatutupad na preventive measures. Jocelyn Tabangcura-Domenden



Nationwide rollout ng pediatric vaccination sisimulan sa Nov. 3
Source: Filipino Pinoys