PRC nakiisa sa global handwashing campaign

MANILA, Philippines – Katuwang na rin ng Philippine Red Cross (PRC) ang  Lifebuoy upang maabot ang  1,000,000 bata at maturuan sila ng tamang handwashing sa pamamagitan ng kanilang Global handwashing campaign na nagsimula noong  Oktubre 15.

Nagbigay ng donasyon na 4,500 piraso ng  235 ML Hand sanitizers, 51,000 sabon, at 1,000 sanitizers sa PRC na ipapamahagi naman sa ibat-ibang chapters.

Magsasagawa rin ng seminar upang madagdagan ang kamalayan at maintindihan ang importansya ng paghuhugas ng sabon sa  kamay ng mabilis, epektobo at abot-kayang paraan upang maiwasan ang mga sakit.

“We need to equip ourselves with proper knowledge on hanwashing para tayo ay makaiwas sa sakit kagaya ng diarrhea, cough, colds, pneumonia, and skin rashes, at COVID-19. Mahalagang muruan nating ang kabataan ng sa gayon ay maturo nila ito sa next generation,” saad ni PRC Chairman at CEO Sen. Dick Gordon .

Patuloy na ituturo ng PRC sa mga kabataan ang wastong paghuhugas ng kamay sa pamamagitan ng kanilang local chapters , magsagawa ng seminar  at gagawing accessible ang mga pasilidad ng PRC WASH sa mga paaralan, pamilihan, isolation facility, at pampublikong lugar. Jocelyn Tabangcura-Domenden



PRC nakiisa sa global handwashing campaign
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento