Jackpot sa 6/42 Lotto nasungkit ng mananaya mula Valenzuela

MANILA, Philippines – P5.9 milyon Jackpot sa Lotto 6/42 nasungkit nanaman ng mananaya sa Valenzuela
Muling nasungkit sa ikatlong pagkakataon ang magkasunod na jackpot price ng Lotto 6/42 sa loob lamang ng isang lingo makaraang muli itong mahulaan ng isang maswerteng mananaya.

Sa kalatas na inilabas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nabili ng maswerteng mananaya ang kanyang tiket mula sa isang outlet sa Valenzuela City na may kombinasyon na 26-05-42-32-15-19 na may jackpot price P5.940,000,00 habang 25 indibidwal naman ang nakakuha ng limang kombinasyon na makakapag-uwi ng tig P24,000.00.

Tumaas naman sa P85,148,618.20 ang jackpot price ng GrandLotto at apat na indibidwal naman ang nakakuha ng ikalawang premyo na makakap-uwi ng tig P100,000.00.

Matatandaan na ito ang ika-apat na ang bagong milyonaryo sa buwang ito makaraang tangkilikin ng mga ito ang produkto ng PCSO.

Unang milyonaryo sa buwang ito ay tiket na Lotto 6/42 binili mula sa isang oulet sa Parañaque Cityna may kombinasyon na 42-03-41-19-01-07 na may jackpot price na Php32,981,785.40 noong Oktubre 23.

Nasundan naman ito noong Ocktubre 27 kung saan isang  maswerteng mananaya mula sa Barutac Nuevo, Ilo-ilo ang nakakuha ng MegaLotto 6/45 na may jackpot price na Php35,235,440.60 na may kombinasyon na 36-26-04-34-25-33.

Nitong Huwebes mula naman sa Ormoc City ang nakakuha ng Lotto 6/42 na may winning combination na 37-09-25-14-28-04 na may jackpot price na Php5,940,000.00.

Ang Lotto 6/42 ay binobola tuwing araw ng Martes, Huwebes at Sabado sa punong tanggapan ng PCSO Shaw Blvd. sa Mandaluyong City sa ganap na alas-9:00 ng gabi.

Hinimok ni PCSO General Manager Royina M. Garma ang publiko na patuloy na tangkilikin ang mga palaro ng PCSO upang sa ganun ay madagdagan ang pondo na pantulong sa mga health program, medical assistance at iba pang pangangailangan ng mahihirap na mamamayan na walang pambayad sa ospital at pambili ng gamot.

Upang makobra ang napanalunang tiket, kinakailangan lang na magtungo ang masuwerteng mananaya sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City at magdala lang ng dalawang valid ID’s at ang kanilang winning ticket. Toto Nabaja



Jackpot sa 6/42 Lotto nasungkit ng mananaya mula Valenzuela
Source: Filipino Pinoys

Mag-post ng isang Komento

0 Mga Komento